Huwebes, Marso 2, 2017
Ano ang street foods? Ang street foods ay ang mga pagkain na matatagpuan sa kalye o kanto. Ito ang mga pagkaing mura na masarap pa at nakakabusog. Maaari ito mabili kahit saan ka mang pumunta balot, siomai, kwek kwek, isaw, fish ball, hot dog, kikiam, squidball. Ang ilang halimbawa ng street food na talaga namang tumatak at bida sa panlasa ng masa maging sa panlasa ng ating mga turista. Mga pagkaing tinatawag na turo turo o point point para medyo sosyal pakinggan, kahit dyan lang naman sa tabi tabi nabibili. Isa nga sa mga paborito ko dyan ay siomai na steem na naraming sili pero walang kalamansi. Ang sarap talaga kapag oras na iyong matikman uulit ulitin mo.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)




